House Bill 2625 – Congressman Sonny Lagon

Narito po ako para mag bigay kaalaman sa pinaka mainit na usapin sa industriya ng sabong.
Kamakailan nga po ay sa kasamaang palad nahuli sa isang lungsod ang humigit kumulang 370 kapwa sabungero natin ng dahil sa pag tangkilik nila sa sabong labas sa araw ng lingo.

Sa kabutihang palad si Congressman Sonny Lagon ng Ako Bisaya Partylist ay nakapag file ng bill upang ma amyendahan ang lumang cockfighting law na nilagdaan pa nung panahong regimeng marcos. Ilan sa nilalaman ng kanyang House Bill 2625 ay ang pag bigay pahintulot na ganapin ang sabong bukod sa araw ng lingo at ang pag bigay permiso sa mga Pista na magkaroon ng occasional na laban.

Sa pag hahangad na ma proteksyonan ang industriyang nagbibigay trabaho sa libo-libong Pilipino, si Congressman Sonny Lagon ay walang atubili na nakipag dialogo sa mga otoridad na naglungsad ng raid sa Mandaue, Doon ay naipaliwanag nila sa isat-isa ang kanilang sentimiento. At dahil na nga sa kanyang pag-pupursigi naihatid ni Cong. Sonny ang isang ‘win-win’ solution.

Napagkasunduan na ang promoter ng laban ay kina-kailangang maka secure ng permit galing sa LGU na base sa PD1802-A section ‘4’ ay siyang may “Full authority” na mag comisyon at mag regulate ng sabong, Bukod dito ang City or munisipyong nasasakupan ay kinakailangang magkaroon ng Ordinansa para ma regulate nila ang sabong at makapag pag issue ng Special permit.

Lubos po nag papasalamat ang Industriya ng sabong sa Ako Bisaya Partylist sa walang tigil nitong pag bigay ayuda sa mga Sabungero at pagbigay ng pang-matagalang solution ukol sa tunay na estado ng sabong ngayon.

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Subscribe To Our Newsletter

SUBSCRIBE HERE
Skip to toolbar